DOJ, Binasura ang Drug Case Laban kina Peter Lim at Kerwin Espinosa

DOJ, Binasura ang Drug Case Laban kina Peter Lim at Kerwin Espinosa

Ibinasura ng mga prosecutor sa Department of Justice (DOJ) ang drug case laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco, Lovely Impal, Peter Co, Max Miro, Jun Pepito at iba pang high profile drug personalities. Ayon sa resolusyon ng mga prosecutor ng DOJ, mahina umano ang ebidensya laban sa nga taong ito.

Ibinasura ng mga prosecutor sa Department of Justice (DOJ) ang drug case laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco, Lovely Impal, Peter Co, Max Miro, Jun Pepito at iba pang high profile drug personalities.

Ayon sa resolusyon ng mga prosecutor ng DOJ, mahina umano ang ebidensya laban sa nga taong ito. Dinismiss ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kina Kerwin Espinosa at sa iba pa dahil hindi nakumbinsi ang state prosecutors sa mga tumestigo.

Nakalagay rin sa resolusyon ng DOJ na ang complainant umano ay bigong maipresinta ang circumstantial evidence para patunayan ang iligal na transaksyon ng respondents.

“Indeed, for an evidence to be believed, it must proceed not only from the mouth of a credible witness, but must be credible in itself as to hurdle the test of conformity with the knowledgeable and common experience of mankind,”

“To our view, the above discrepancies in [Marcelo] Adorco’s affidavits have seriously impaired their probative value and have casted serious doubts on their credibility. His contradictory statements on important details simply eroded the integrity and veracity of his testimony.”

Aprobado na ang resolusyon na ito ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan pero dadaan pa kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre para i-review.

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think