MRT binaboy ng dating administrasyon – Harry Roque

MRT binaboy ng dating administrasyon – Harry Roque – Nowreader.co

Sa pagtalakay ng problema sa Metro Rail Transit (MRT), sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na binaboy umano ng dating administrasyon ang MRT kung kaya mas lalong lumaki ang problema sa MRT. Ayon kay Roque, ang pagpapalit ng maintenance provider ang naging dahilan kung bakit lumaki pa ang kapalpakan ng train.

Sa pagtalakay ng problema sa Metro Rail Transit (MRT), sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na binaboy umano ng dating administrasyon ang MRT kung kaya mas lalong lumaki ang problema sa MRT.

Ayon kay Roque, ang pagpapalit ng maintenance provider ang naging dahilan kung bakit lumaki pa ang kapalpakan ng train.

Dahil nga nabalik na sa Somitomo ang pangangalaga sa MRT, napag-alaman na mas malala pa pala sa kanilang inaasahan ang problema nito. Kung kaya laging nag-aaberya ang MRT at naaabala pa ang mga pasahero.

“Ngayon lang po natapos noong Sumitomo na kinuha po uli ng gobyerno para maging maintenance contractor iyong kanilang pag-aaral kung ano na nangyari sa MRT, at ang sabi nila mas malala pa sa kanilang inaasahan,” ani Roque.

“So talagang nababoy po iyong MRT na ‘yan dahil po sa, maalala ninyo ay nagsimula naman ng problema ang pahirap sa ating mga mananakay noong pinalitan ng MRT ng mga kompaniya nang wala namang kaalaman at kakayanan,” dagdag pa niya.

Paliwanag pa ni Roque na lahat ng kompanyang ipinalit ng administrasyong Aquino sa Somitomo ay walang kakayahan at sapat na kapital upang ayusin ang anumang sira ng train.

Saad pa niya, papanagutin ng gobyerno ang mga oipsyal na may kinalaman sa maanomalyang problema ng MRT. Ang paglustay umano sa pera ng taumbayan ay malaking kasalanan na dapat pagbayaran dahil naging dagdag pahirap ito sa mga mananakay.

“Hindi lang BURI po, mayroon pang isa, iyong VH Cable[?] ‘ata iyon. Marami pong mga kumpanya ‘yan bago pa napunta sa BURI – pero lahat po ‘yan walang kakayahan, walang sapat na kapital, at talaga namang nakapagtataka na talagang pilit na tinanggal iyong mga napakatagal na mabuti naman ang pagpapatakbo sa MRT.”

“So siguro po talagang… bagama’t gumagawa ngayon ng hakbang ang ating gobyerno para ma-rehabilitate na iyong MRT nang matapos na ang paghihirap/kalbaryo sa ating mga kababayan; importante naman iyong pananagutan dahil nga po binaboy talaga iyong MRT, nilustay ang pera ng taumbayan na nagreresulta ngayon sa hinagpis at paghihirap sa ating mga mananakay,” saad ni Roque.

Bagama’t naglaan ng pondo ang gobyerno ay pinagpiyestahan lang dahil bumili ng mga bagong bagon na hindi naman magamit at hindi angkop sa sistema at sa riles para tumakbo.

Mabuti na lamang at nabalik na sa Sumitomi ang pangasiwaan ang pagmantina sa mga tren at riles dahil nakakatiyak na mas magiging maayos ito. Makakaranas na rin ng kaginhawaan ang mg amananakay sa MRT paglubos ng naayos ang problema sa riles.

Samantala, may dalawang whistleblowers umano ang pamahalaan na isiniwalat ang nangyaring pangungurakot ng mga opisyal.

“I promise this will be a continuing activity that we have here, and that is dissecting the plunder of MRT.”

“Ngayon lang lumalabas iyong mga whistleblower. Ngayon lang may hawak tayong whistleblower kung paano hatian. Meron pala kasing tinatawag na Pangasinan Group diyan.”

“Ang sabi ng whistleblower ay 1/3 daw nung total na binabayad natin para sa kontratang ito ay napupunta lang doon sa Pangasinan group ‘no. Tapos 1/3 daw ay diumano ay binabayad din sa political machinery at 1/3 lang talaga iyong napupunta para sa pag-maintain ng MRT 3,” dagdag niya.

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think